-
Mateo 21:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Gayundin, lumapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at pilay, at pinagaling niya sila.
-
-
Mateo 21:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Gayundin, ang mga taong bulag at pilay ay lumapit sa kaniya sa templo, at pinagaling niya sila.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
templo: Posibleng tumutukoy sa Looban ng mga Gentil. (Ihambing ang study note sa Mat 21:12.) Sa ulat lang ni Mateo mababasa na may lumapit kay Jesus na mga bulag at pilay sa templo at na pinagaling niya sila, gaya ng nagawa na niya sa naunang pagkakataon. (Mat 15:30) Sinasabi ng ilan na ayon sa tradisyong Judio, bawal pumunta ang mga bulag at pilay sa ilang bahagi ng templo, pero wala namang binabanggit na ganoon sa Hebreong Kasulatan. Totoo man o hindi ang pagbabawal na iyon, posibleng ipinapakita ng ulat ni Mateo na ang sigasig ni Jesus noong mga huling araw ng ministeryo niya sa lupa ay hindi lang nakita sa paglilinis ng templo, kundi pati sa pagpapagaling ng mga bulag at pilay na lumalapit sa kaniya roon.—Tingnan ang Ap. A7.
-