Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 21:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan, ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok.*+ Nagmula ito kay Jehova* at kahanga-hanga ito sa paningin natin’?+

  • Mateo 21:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba ninyo kailanman nabasa sa Kasulatan, ‘Ang bato na itinakwil+ ng mga tagapagtayo ang siyang naging pangulong batong-panulok.+ Mula kay Jehova ay nangyari ito, at kagila-gilalas ito sa ating mga mata’?

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 21:42

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 354, 1067

      Jesus—Ang Daan, p. 246-247

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21:42

      sa Kasulatan: Kadalasan nang tumutukoy ito sa buong Hebreong Kasulatan.

      pangunahing batong-panulok: O “pinakaimportanteng bato.” Ang ekspresyong Hebreo sa Aw 118:22 at ang ekspresyong Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “ulo ng kanto.” Iba-iba ang intindi rito, pero lumilitaw na tumutukoy ito sa batong inilalagay sa tuktok ng kanto ng pinagdugtong na dalawang pader para maging matibay ang pagkakadugtong ng mga ito. Sinipi ni Jesus ang hulang ito para tukuyin ang sarili niya bilang ang “pangunahing batong-panulok.” Kung paanong kapansin-pansin ang bato sa pinakatuktok ng isang gusali, ganiyan din si Jesu-Kristo, dahil siya ang pinakatuktok na bato sa kongregasyong Kristiyano ng mga pinahiran, na inihalintulad sa isang espirituwal na templo.

      Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 118:22, 23, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share