-
Mateo 22:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa ang sinabi sa inyo ng Diyos:
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagkabuhay-muli: Tingnan ang study note sa Mat 22:23.
ang sinabi sa inyo ng Diyos: Ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang pag-uusap ni Moises at ni Jehova noong mga 1514 B.C.E. (Exo 3:2, 6) Noong panahong iyon, 329 na taon nang patay si Abraham, 224 si Isaac, at 197 si Jacob. Pero hindi sinabi ni Jehova: ‘Ako ang Diyos nila noon,’ kundi sinabi niya: ‘Ako ang Diyos nila.’—Mat 22:32.
-