-
Mateo 23:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At huwag kayong patawag na mga lider, dahil iisa ang inyong Lider, ang Kristo.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lider: Ang salitang Griego ay kasingkahulugan ng “Guro,” na mababasa sa talata 8. Dito, tumutukoy ito sa espirituwal na mga lider na nagbibigay ng patnubay at tagubilin. Malamang na ginagamit ito noon na relihiyosong titulo.
Lider: Hindi puwedeng maging espirituwal na Lider ng tunay na mga Kristiyano ang sinumang di-perpektong tao, kaya si Jesus lang ang karapat-dapat tawaging Lider.—Tingnan ang naunang study note sa lider sa tekstong ito.
Kristo: Dito, ang titulong “Kristo,” na nangangahulugang “Pinahiran,” ay may kasamang tiyak na pantukoy sa Griego. Ipinapakita nitong si Jesus ang ipinangakong Mesiyas, na pinahiran, o pinili, para sa isang espesyal na atas.—Tingnan ang study note sa Mat 1:1 at 2:4.
-