-
Mateo 23:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino,*+ pero binabale-wala ninyo ang mas mahahalagang bagay sa Kautusan: ang katarungan+ at awa+ at katapatan. Kailangan namang gawin ang mga iyon, pero hindi ninyo dapat bale-walain ang iba pang bagay.*+
-
-
Mateo 23:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat ibinibigay ninyo ang ikasampu+ ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino, ngunit winalang-halaga ninyo ang mas mabibigat na bagay ng Kautusan, samakatuwid nga, katarungan+ at awa+ at katapatan.+ Ang mga bagay na ito ay kinakailangang gawin, gayunma’y huwag waling-halaga ang iba pang mga bagay.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino: Sa Kautusang Mosaiko, dapat magbigay ang mga Israelita ng ikapu, o ikasampu, ng ani nila. (Lev 27:30; Deu 14:22) Hindi espesipikong iniutos ng Kautusan na ibigay ang ikasampu ng maliliit na halamang pampalasa, gaya ng yerbabuena, eneldo, at komino; pero hindi naman kinondena ni Jesus ang kaugaliang ito. Ang pinuna niya ay ang mga eskriba at mga Pariseo dahil mas mahalaga sa kanila ang maliliit na detalye ng Kautusan kaysa sa mga simulain dito, gaya ng katarungan, awa, at katapatan.
-