-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bangko . . . interes: Noong unang siglo C.E., maraming nagpapautang, o mga bangko, sa Israel at sa nakapalibot na mga bansa. Pinagbabawalan ng Kautusan ang mga Israelita na magpautang nang may interes sa mahihirap na Judio (Exo 22:25), pero puwedeng magpatong ng interes sa utang ng mga dayuhan, na malamang na gagamitin ng mga ito para sa negosyo (Deu 23:20). Noong panahon ni Jesus, maliwanag na karaniwang nakakakuha ng interes sa perang idineposito sa mga nagpapautang.
-