-
Mateo 25:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 “Pagkatapos, sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang Kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
manahin: Ang pangunahing kahulugan ng pandiwang Griego ay ang pagtanggap ng mana dahil sa karapatan, kadalasan na dahil sa ugnayan ng tagapagmana sa nagpapamana, gaya ng isang anak na tumanggap ng mana mula sa kaniyang ama. (Gal 4:30) Pero dito, gaya ng karaniwang paggamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, mas malawak ang kahulugan ng termino, at tumutukoy ito sa pagtanggap ng isang bagay bilang gantimpala mula sa Diyos.—Mat 19:29; 1Co 6:9.
ang Kahariang: Sa Bibliya, ang terminong “kaharian” ay puwedeng tumukoy sa iba’t ibang bagay, gaya ng “rehiyon o bansa na pinamumunuan ng isang hari,” “kapangyarihan bilang hari,” “teritoryong nasasakupan,” at “pagiging sakop ng isang hari.” Dito, lumilitaw na tumutukoy ito sa pagtanggap ng mga pagpapala ng pagiging sakop ng Kaharian ng Diyos at pamumuhay sa teritoryong sakop nito.
nang itatag ang sanlibutan: Ang salitang Griego para sa “itatag” ay isinaling “nagdalang-tao” sa Heb 11:11. Ang ekspresyon dito na “itatag ang sanlibutan” ay lumilitaw na tumutukoy sa pagbubuntis at pagsilang sa mga anak nina Adan at Eva. Iniugnay ni Jesus ang ‘pagkakatatag ng sanlibutan’ kay Abel, dahil maliwanag na siya ang unang tao na puwedeng tubusin at nakasulat ang pangalan niya sa balumbon ng buhay mula pa “nang itatag ang sanlibutan.”—Luc 11:50, 51; Apo 17:8.
-