Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 isang babae na may dalang mamahalin at mabangong langis na nasa boteng alabastro* ang lumapit sa kaniya, at ibinuhos nito ang langis sa ulo niya habang nakaupo siya para kumain.*

  • Mateo 26:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 isang babae na may sisidlang alabastro ng mamahaling mabangong langis+ ang lumapit sa kaniya, at pinasimulan niyang ibuhos ito sa kaniyang ulo habang siya ay nakahilig sa mesa.

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 26:7

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 77

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 315-316

      Jesus—Ang Daan, p. 236

      Ang Bantayan,

      5/1/2008, p. 31

      2/1/2007, p. 20

      10/15/1989, p. 8-9

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26:7

      isang babae: Ayon sa Ju 12:3, siya si Maria, ang kapatid nina Marta at Lazaro.

      mamahalin at mabangong langis: Iniulat nina Marcos at Juan na ito ay isang libra ng ‘purong’ nardo, na nagkakahalaga ng 300 denario. Katumbas iyan ng mga isang-taóng sahod ng karaniwang trabahador. (Mar 14:3-5; Ju 12:3-5) Sinasabing ang mabangong langis na ito ay galing sa mabangong halaman (Nardostachys jatamansi) na matatagpuan sa kabundukan ng Himalaya. Ang nardo ay karaniwan nang hinahaluan, o pinepeke pa nga, pero parehong binanggit nina Marcos at Juan na “puro” ang langis na ginamit ni Maria.

      boteng alabastro: Tingnan sa Glosari, “Alabastro.”

      ibinuhos nito ang langis sa ulo niya: Sa ulat nina Mateo at Marcos, ibinuhos ng babae ang langis sa ulo ni Jesus. (Mar 14:3) Pero sa ulat ni Juan, na isinulat makalipas ang maraming taon, binanggit niyang ibinuhos din ito ng babae sa paa ni Jesus. (Ju 12:3) Sinabi ni Jesus na ang ginawang ito ng babae na udyok ng pag-ibig ay para bang paghahanda sa kaniya para sa libing.​—Tingnan ang study note sa Mat 26:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share