-
Mateo 26:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Si Hudas, na magtatraidor sa kaniya, ay nagsabi: “Rabbi, hindi ako iyon, hindi ba?” Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Ikaw ang nagsabi niyan.”
-
-
Mateo 26:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Bilang tugon si Hudas, na magkakanulo na sa kaniya, ay nagsabi: “Hindi ako iyon, hindi ba, Rabbi?” Sinabi niya sa kaniya: “Ikaw mismo ang nagsabi nito.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ikaw ang nagsabi niyan: Isang idyoma ng mga Judio na ginagamit para kumpirmahin ang sinabi ng isa na nagtatanong. Ang tanong ni Hudas sa talatang ito ay puwede ring isalin na “Ako ba iyon, Rabbi?” Sa sagot ni Jesus, para bang sinasabi niya, “Totoo ang sinabi mo,” na nagpapakitang inamin na mismo ni Hudas na siya ang magtatraidor kay Jesus. Ilang sandali pagkatapos nito, lumilitaw na umalis na si Hudas bago pasimulan ni Jesus ang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon, gaya ng makikita sa ulat ng Ju 13:21-30. Sa ulat ni Mateo, ang sumunod na pagbanggit kay Hudas ay sa Mat 26:47, kung saan kasama na siya ng isang grupo ng mga tao sa hardin ng Getsemani.
-