-
Mateo 27:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Ngunit kinuha ng mga punong saserdote ang mga pirasong pilak at sinabi: “Hindi kaayon ng kautusan na ihulog ang mga iyon sa sagradong ingatang-yaman, sapagkat ang mga iyon ay halaga ng dugo.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sagradong kabang-yaman: Ang terminong ito ay puwedeng tumukoy sa bahagi ng templo na tinatawag na “ingatang-yaman” sa Ju 8:20, na lumilitaw na nasa Looban ng mga Babae, kung saan may 13 kabang-yaman. (Tingnan ang Ap. B11.) Sinasabing ang templo ay mayroong pangunahing kabang-yaman at doon dinadala ang perang nakukuha sa iba pang kabang-yaman.
halaga ng dugo: Halagang ibinayad sa pagpatay.
-