-
Mateo 27:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Kaya natupad ang sinabi ng propetang si Jeremias: “At kinuha nila ang 30 pirasong pilak, ang halagang itinakda sa isang tao, ang isa na tinakdaan ng halaga ng ilan sa mga anak ni Israel,
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
natupad ang sinabi ng propetang si Jeremias: Ang pananalitang ito ay lumilitaw na kinuha ni Mateo sa Zac 11:12, 13, at sa ilalim ng patnubay ng espiritu, ipinakita niyang ang pangyayaring ito ay katuparan ng hulang iyon. Noong panahon ni Mateo, ang Jeremias ang una sa mga aklat ng hula, at ang pangalang ito ay posibleng tumutukoy sa lahat ng aklat na iyon, kasama na ang aklat ng Zacarias.—Tingnan ang study note sa Mat 1:22.
-