Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 27:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Nang humarap si Jesus sa gobernador, tinanong siya nito: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na mismo ang nagsasabi.”+

  • Mateo 27:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Si Jesus ngayon ay tumayo sa harap ng gobernador; at ang gobernador ay nagharap ng tanong sa kaniya: “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?”+ Tumugon si Jesus: “Ikaw mismo ang nagsasabi nito.”+

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 27:11

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 486-487

      Jesus—Ang Daan, p. 291

      Ang Bantayan,

      12/1/1990, p. 9

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27:11

      Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?: Sa Imperyo ng Roma, walang haring makakapamahala nang walang pahintulot ni Cesar. Kaya makikitang ang mga tanong ni Pilato ay nakasentro sa isyu ng pagiging hari ni Jesus.

      Ikaw na mismo ang nagsasabi: Maliwanag na ang sagot na ito ni Jesus ay kumpirmasyon na ang sinabi ni Pilato ay totoo. (Ihambing ang study note sa Mat 26:25, 64.) Bagaman inamin ni Jesus kay Pilato na siya nga ay isang hari, iba ito sa iniisip ni Pilato, dahil ang Kaharian ni Jesus ay “hindi bahagi ng sanlibutang ito” at hindi magiging banta sa Roma.​—Ju 18:33-37.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share