-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kaugalian . . . na magpalaya ng isang bilanggo: Iniulat ito ng lahat ng apat na manunulat ng Ebanghelyo. (Mar 15:6-15; Luc 23:16-25; Ju 18:39, 40) Hindi ito iniutos sa Hebreong Kasulatan, at wala ring ganitong pangyayari na nakaulat doon. Pero lumilitaw na noong panahon ni Jesus, may ganito nang tradisyon ang mga Judio. Hindi bago ang ganitong kaugalian sa mga Romano, dahil may mga ebidensiya na nagpapakitang nagpapalaya talaga sila ng mga bilanggo para mapasaya ang mga tao.
-