-
Mateo 27:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Nang makita ni Pilato na hindi nakabuti ang ginawa niya kundi nagkagulo pa nga ang mga tao, kumuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. Sinabi niya: “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito. Kayo na ang may pananagutan diyan.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naghugas ng kamay: Ginagawa ito para ipakitang inosente ang isa o walang pananagutan sa isang bagay. Ang ganitong kaugalian ng mga Judio ay binabanggit sa Deu 21:6, 7 at Aw 26:6.
-