-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
koronang tinik . . . tambo: Bukod sa matingkad-na-pulang balabal (na binanggit sa Mat 27:28), binigyan din si Jesus ng koronang tinik at tambong setro para gawing katatawanan ang pagiging hari niya.
Lumuhod sila sa harap niya: Karaniwan na, ang pagluhod ay pagpapakita ng paggalang sa isang nakatataas, pero ginawa ito ng mga sundalo para insultuhin si Jesus.—Tingnan ang study note sa Mat 17:14.
Magandang araw: O “Mabuhay ka.” Lit., “Ipagbunyi ang.” Binati nila si Jesus gaya ng kung paano nila babatiin si Cesar, maliwanag na para tuyain siya dahil sinasabi niyang hari siya.
-