-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maasim na alak: O “sukang alak.” Malamang na tumutukoy sa maasim na alak na hindi matapang pero gumuguhit. Tinatawag ito sa Latin na acetum (sukà) o posca kapag hinaluan ng tubig. Mura lang ito at karaniwang iniinom ng mahihirap, pati na ng mga sundalong Romano, bilang pamatid-uhaw. Ang salitang Griego na oʹxos ay ginamit din ng Septuagint sa Aw 69:21, kung saan inihula na ang Mesiyas ay bibigyan ng “sukà” para inumin.
tambo: O “patpat; tungkod.” Sa ulat ni Juan, tinatawag itong “tangkay ng isopo.”—Ju 19:29; tingnan sa Glosari, “Isopo.”
-