Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 27:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 Pero sinabi ng iba: “Pabayaan mo siya! Tingnan natin kung darating si Elias para iligtas siya.”

  • Mateo 27:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 Ngunit ang iba sa kanila ay nagsabi: “Pabayaan mo siya! Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya.”+ [[Isa pang tao ang kumuha ng sibat at inulos ang kaniyang tagiliran, at dugo at tubig ang lumabas.]]+

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 27:49

      Ang Bantayan,

      2/15/2005, p. 7

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27:49

      para iligtas siya: Idinagdag ito sa ilang sinaunang manuskrito: “Sinaksak ng sibat ng isa sa mga lalaki ang tagiliran ni Jesus, at lumabas ang dugo at tubig.” Hindi ito mababasa sa ibang mahahalagang manuskrito. May ganiyang pananalita sa Ju 19:34, pero ayon sa Ju 19:33, patay na si Jesus nang mangyari ito. Naniniwala ang karamihan sa mga eksperto, kasama na ang mga editor ng tekstong Griego ng Nestle-Aland at United Bible Society, na ang pananalita sa Juan ay idinagdag lang ng mga tagakopya sa ulat ng Mateo. Kahit sina Westcott at Hort, na naglagay rin sa kanilang tekstong Griego ng pananalitang ito na nakabraket, ay nagsasabing “malamang na isiningit [ito] ng mga eskriba.” Dahil iba-iba ang makikita sa mga manuskrito ng ulat ni Mateo at walang kalituhan sa ulat ng Ebanghelyo ni Juan, lumilitaw na tama ang sunuran ng mga pangyayari sa ulat ng Ju 19:33, 34—patay na si Jesus nang saksakin siya ng sibat ng sundalong Romano. Kaya sa saling ito, ang pananalitang ito ay hindi isinama sa Mat 27:49.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share