-
Mateo 27:52Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
52 At ang mga alaalang libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na natulog na ang naibangon,
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
libingan: O “alaalang libingan.”—Tingnan sa Glosari, “Alaalang libingan.”
napahagis: Ang pandiwang Griego na e·geiʹro, na nangangahulugang “ibangon,” ay puwedeng tumukoy sa pagkabuhay-muli, pero madalas itong gamitin sa ibang konteksto. Halimbawa, puwede itong mangahulugang “iahon” mula sa hukay o “tumayo” mula sa lupa. (Mat 12:11; 17:7; Gaw 3:7) Sa ulat ni Mateo, iniugnay niya ang pandiwang Griego sa “bangkay ng mga banal” at hindi sa mismong “mga banal.” Lumilitaw na sa lakas ng lindol, nabuksan ang mga libingan at napahagis ang mga bangkay.
-