-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga taong nagpunta sa libingan: Lit., “mga taong lumabas mula sa libingan.” Ang pandiwang Griego rito ay ginagamit para sa pangmaramihang simuno na nasa kasariang panlalaki. Ang ganitong simuno ay tumutukoy sa mga tao at hindi sa mga bangkay (walang kasarian sa Griego) na binanggit sa talata 52. Maliwanag na tumutukoy ito sa mga taong nakakita sa mga bangkay na napahagis dahil sa lindol (tal. 51). Lumilitaw na napadaan sila sa libingan at pagkatapos ay pumasok sila sa lunsod para ibalita ang nakita nila.
matapos siyang buhaying muli: Tumutukoy sa pagkabuhay-muli ni Jesus. Ang impormasyong nasa panaklong ay naganap pagkalipas pa ng ilang panahon.
banal na lunsod: Tumutukoy sa Jerusalem.—Tingnan ang study note sa Mat 4:5.
nakita ito: Maliwanag na tumutukoy sa mga bangkay na binanggit sa talata 52.—Tingnan ang study note sa Mat 27:52.
-