-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Maria Magdalena: Ang pangalan niyang Magdalena (nangangahulugang “Ng, o Mula sa, Magdala”) ay malamang na kinuha sa bayan ng Magdala sa kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea at nasa pagitan ng Capernaum at Tiberias. Sinasabing sa Magdala lumaki si Maria o doon siya nakatira.—Tingnan ang study note sa Mat 15:39; Luc 8:2.
Santiago: Tinatawag ding “Santiago na Nakabababa.”—Mar 15:40.
Joses: Sa ilang sinaunang manuskrito, ang mababasa ay “Jose” sa halip na “Joses.” Sa kaparehong ulat sa Mar 15:40, “Joses” ang mababasa sa karamihan ng sinaunang manuskrito.
ina ng mga anak ni Zebedeo: Tumutukoy sa ina ng mga apostol na sina Santiago at Juan.—Tingnan ang study note sa Mat 4:21; 20:20.
-