-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Arimatea: Ang pangalan ng lunsod na ito ay mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “kaitaasan.” Sa Luc 23:51, tinatawag itong “lunsod ng mga Judeano.”—Tingnan ang Ap. B10.
Jose: Makikita ang personalidad ng mga manunulat ng Ebanghelyo sa magkakaibang detalye na iniulat nila tungkol kay Jose. Sinabi ni Mateo, isang maniningil ng buwis, na mayaman si Jose; sinabi naman ni Marcos, na sumulat para sa mga Romano, na siya ay “iginagalang na miyembro ng Sanggunian” at naghihintay sa Kaharian ng Diyos; sinabi ni Lucas, isang mapagmalasakit na doktor, na “isa siyang mabuti at matuwid na tao” na hindi sumuporta sa pakana ng Sanggunian laban kay Jesus; si Juan lang ang nag-ulat na “alagad siya ni Jesus, pero inilihim niya ito dahil sa takot sa mga Judio.”—Mar 15:43-46; Luc 23:50-53; Ju 19:38-42.
-