Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sinasabi niya: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang Kaharian ng Diyos. Magsisi kayo+ at manampalataya sa mabuting balita.”

  • Marcos 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at sinasabi: “Ang takdang panahon ay natupad na,+ at ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Magsisi na kayo,+ at magkaroon kayo ng pananampalataya sa mabuting balita.”

  • Marcos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:15

      Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya, artikulo 1

      Ang Bantayan,

      2/15/2008, p. 28

      1/15/2003, p. 10

      2/1/1986, p. 9

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:15

      Dumating na ang takdang panahon: Sa kontekstong ito, ang “takdang panahon” (sa Griego, kai·rosʹ) ay tumutukoy sa panahong inihula ng Kasulatan kung kailan sisimulan ni Jesus ang ministeryo niya, na magbibigay sa mga tao ng pagkakataong manampalataya sa mabuting balita. Ito rin ang salitang Griego na ginamit para sa “panahon” ng pagsisiyasat na nangyari noong panahon ng ministeryo ni Jesus (Luc 12:56; 19:44) at para sa “takdang panahon” ng kamatayan niya.—Mat 26:18.

      Kaharian ng Diyos: Lumitaw ito nang 14 na beses sa Ebanghelyo ni Marcos. Apat na beses lang ginamit ni Mateo ang pariralang ito (Mat 12:28; 19:24; 21:31; 21:43), pero mga 30 beses niyang ginamit ang kahawig na ekspresyon na “Kaharian ng langit.” (Ihambing ang Mar 10:23 sa Mat 19:23, 24.) Kaharian ng Diyos ang tema ng pangangaral ni Jesus. (Luc 4:43) Mahigit 100 beses binanggit ang Kaharian sa apat na Ebanghelyo, at karamihan sa mga ito ay mula sa mga sinabi ni Jesus.—Tingnan ang study note sa Mat 3:2; 4:17; 25:34.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share