Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 1:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Pagsapit ng gabi, nang lumubog na ang araw, dinala sa kaniya ng mga tao ang lahat ng maysakit at sinasaniban ng demonyo;+

  • Marcos 1:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Pagsapit ng gabi, nang lumubog na ang araw, pinasimulang dalhin sa kaniya ng mga tao ang lahat niyaong mga may karamdaman+ at yaong mga inaalihan ng demonyo;+

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:32

      nang lumubog na ang araw: Nagtatapos ang Sabbath sa paglubog ng araw. (Lev 23:32; Mar 1:21; tingnan ang study note sa Mat 8:16; 26:20.) Kaya dahil wala nang pupuna sa mga Judio, hindi na sila matatakot dalhin kay Jesus ang mga maysakit para mapagaling.​—Ihambing ang Mar 2:1-5; Luc 4:31-40.

      maysakit at sinasaniban ng demonyo: May mga pagkakataong nagkakaroon ng sakit o kapansanan ang mga taong sinasaniban ng demonyo. (Mat 12:22; 17:15-18) Pero malinaw na ipinapakita ng Kasulatan kung galing sa mga demonyo ang sakit o hindi. Anuman ang dahilan ng pagkakasakit ng mga tao, pinapagaling sila ni Jesus.​—Mat 4:24; 8:16; Mar 1:34.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share