-
Marcos 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya inalis nila ang bubong sa tapat ni Jesus, at ibinaba nila sa butas ang higaan kung saan nakaratay ang paralitiko.
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
inalis nila ang bubong . . . ibinaba nila sa butas: Ang bubong ng maraming bahay noong unang siglo sa Israel ay patag at naaakyat sa pamamagitan ng hagdan sa labas ng bahay. Hindi sinabi ni Marcos kung saan gawa ang bubong ng bahay. Pero ang mga bubong noon ay kadalasang gawa sa bigang kahoy na pinatungan ng mga sanga, tambo, at lupa, na pinalitadahan. Ang ilang bahay ay may tisa; ayon kay Lucas, “inalis ang mga tisa” ng bubong para maibaba ang lalaki. (Tingnan ang study note sa Luc 5:19.) Madali lang para sa mga kaibigan ng paralitiko na gumawa ng butas sa bubong na kasya ang higaan niya para maibaba siya sa mga tao.
-