-
Marcos 2:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at buhatin mo ang higaan mo at lumakad ka’?
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alin ba ang mas madali: Madali para sa isa na sabihing kaya niyang magpatawad ng kasalanan, dahil hindi nito kailangan ng nakikitang ebidensiya. Pero kailangan ng isang himala para mangyari ang sinabi ni Jesus na Bumangon ka . . . at lumakad, at ito ang magpapatunay na siya ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan. Sa ulat na ito at sa Isa 33:24, iniuugnay ang pagkakasakit sa pagiging makasalanan natin.
-