-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alfeo: Maliwanag na iba sa Alfeo na binanggit sa Mar 3:18 (tingnan ang study note sa Mar 3:18), na ama ni Santiago, ang ika-9 sa 12 apostol na nakalista.—Mat 10:3; Luc 6:15.
Levi: Sa kaparehong ulat sa Mat 9:9, tinawag na Mateo ang alagad na ito. Kapag tinutukoy siya na dating maniningil ng buwis, ginagamit nina Marcos at Lucas ang pangalang Levi (Luc 5:27, 29), pero Mateo ang ginagamit nila kapag tinutukoy siya bilang isang apostol (Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13). Hindi sinasabi ng Kasulatan kung dati nang pangalan ni Levi ang Mateo bago pa siya maging alagad ni Jesus. Si Marcos lang ang manunulat ng Ebanghelyo na nagsabing si Mateo Levi ay anak ni Alfeo.—Tingnan ang study note sa Mar 3:18.
tanggapan ng buwis: Puwede itong tumukoy sa isang maliit na gusali o puwesto kung saan umuupo ang isang maniningil ng buwis para sa mga kalakal na iniluluwas o inaangkat at sa mga panindang idinaraan ng mga mangangalakal sa isang bayan. Ang tanggapan ng buwis ni Levi, na tinatawag ding Mateo, ay nasa Capernaum o malapit dito.
Maging tagasunod kita: Ang pandiwang Griego na ginamit sa paanyayang ito ay literal na nangangahulugang “lumakad sa likuran, sumunod,” pero dito, nangangahulugan itong “sumunod bilang isang alagad.”
-