-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Panginoon . . . ng Sabbath: Itinawag ito ni Jesus sa kaniyang sarili (Mar 2:28; Luc 6:5), na nagpapakitang puwede niyang gamitin ang Sabbath para gawin ang ipinag-uutos ng kaniyang Ama sa langit. (Ihambing ang Ju 5:19; 10:37, 38.) Ginawa ni Jesus sa araw ng Sabbath ang ilan sa pinakakahanga-hangang mga himala niya, kasama na ang pagpapagaling ng maysakit. (Luc 13:10-13; Ju 5:5-9; 9:1-14) Maliwanag na ipinapakita nito ang kaginhawahang ibibigay niya sa mga tao sa panahon ng pamamahala niya sa Kaharian; magiging gaya ito ng pahinga kapag Sabbath.—Heb 10:1.
-