-
Marcos 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Napakaraming tao rin mula sa Jerusalem at sa Idumea at mula sa kabila ng Jordan at sa palibot ng Tiro at Sidon ang nagpunta sa kaniya nang mabalitaan nila ang maraming bagay na ginagawa niya.
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Idumea: Noong panahon ng ministeryo ni Jesus, ang Idumea ang pinakatimog na rehiyon ng Romanong lalawigan ng Judea. (Tingnan ang Ap. B10.) Sa Griego, ang “Idumea” ay nangangahulugang “[Lupain] ng mga Edomita.” Noong una, ang mga Edomita ay nakatira sa timog ng Dagat na Patay. (Tingnan ang Ap. B3 at B4.) Nasakop sila ni Haring Nabonido ng Babilonya noong ikaanim na siglo B.C.E. Noong mga ikaapat na siglo B.C.E., ang mga Nabataean Arab na ang naninirahan sa lupain ng mga Edomita, kaya lumipat ang mga Edomita sa Negeb sa hilaga, hanggang sa rehiyong malapit sa Hebron, at tinawag nila ang lupain na Idumea. Sinakop sila ng mga Hasmoneano (mga Macabeo) at pinagbantaang palalayasin kung hindi sila magpapatuli at mamumuhay kaayon ng kautusang Judio. Kabilang sa sumunod sa kautusan at kaugaliang Judio ang mga ninuno ng mga Herodes.
mula sa kabila ng Jordan: Maliwanag na tumutukoy sa rehiyon na nasa silangan ng Jordan, na tinatawag ding Perea (mula sa salitang Griego na peʹran, na nangangahulugang “sa kabilang panig”).
-