-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Boanerges: Semitikong ekspresyon na makikita lang sa ulat ni Marcos. Ibinigay ni Jesus kina Santiago at Juan ang pangalang ito, na malamang na nagpapakita ng nag-aalab nilang sigasig.—Luc 9:54.
na nangangahulugang: Ang mga terminong ipinapaliwanag o isinasalin ni Marcos ay pamilyar na sa mga mambabasang Judio. Ipinapakita lang nito na ang ulat niya ay para sa mga di-Judio.
Mga Anak ng Kulog: Sa Hebreo, Aramaiko, at Griego, ang pananalitang “(mga) anak ng” ay ginagamit para tukuyin ang isang tao na kilala sa isang partikular na katangian o para ilarawan ang isang grupo ng tao.—Tingnan ang study note sa Boanerges sa talatang ito at ang study note sa Gaw 4:36.
-