-
Marcos 4:38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
38 Pero nasa bandang likuran ng bangka si Jesus at natutulog sa unan. Kaya ginising nila siya at sinabi sa kaniya: “Guro, bale-wala lang ba sa iyo na mamamatay na tayo?”
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
unan: O “kutson.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang ito. Ipinapakita ng paggamit dito ng tiyak na pantukoy sa Griego na ang unan ay posibleng kasama talaga sa mga kagamitan sa bangka. Puwedeng isa itong sako ng buhangin na ginagamit na pampabigat sa ilalim ng kubyerta sa popa, upuan ng nagtitimon na nababalutan ng katad, o kutson o balahibo ng hayop na inuupuan ng nagsasagwan.
-