-
Marcos 5:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang pangalan mo?” Sumagot ito: “Ang pangalan ko ay Hukbo, dahil marami kami.”
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hukbo: Malamang na hindi talaga ito ang pangalan ng lalaking sinapian ng demonyo. Ipinapakita lang nito na maraming demonyo ang sumapi sa kaniya. Posibleng ang pinuno ng mga demonyong ito ang kumontrol sa lalaki para sabihing Hukbo ang pangalan niya. Noong unang siglo C.E., ang isang lehiyong Romano ay karaniwan nang binubuo ng mga 6,000 lalaki, na nagpapakitang napakaraming demonyo na sumapi sa kaniya.—Tingnan ang study note sa Mat 26:53.
-