-
Marcos 6:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kaya hindi siya nakagawa roon ng anumang makapangyarihang gawa maliban sa pagpapatong ng kaniyang mga kamay sa ilang masasaktin at pagpapagaling sa kanila.
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi siya gumawa roon ng anumang himala: Kaunti lang ang ginawang himala ni Jesus, hindi dahil kulang siya sa kapangyarihan, kundi dahil hindi iyon hinihiling ng kalagayan. Walang pananampalataya ang mga taga-Nazaret, kaya hindi gumawa roon ng maraming himala si Jesus. (Mat 13:58) Hindi dapat sayangin ang kapangyarihan ng Diyos sa mga ayaw tumanggap at maniwala.—Ihambing ang Mat 10:14; Luc 16:29-31.
-