-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kaarawan niya: Malamang na ginanap ito sa bahay ni Herodes Antipas sa Tiberias, isang lunsod sa kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea. Makatuwirang isipin ito dahil binanggit ni Marcos na nagpunta doon ang pinakaprominenteng mga lalaki sa Galilea. (Tingnan ang study note sa Mat 14:3, 6.) Dalawa lang ang pagdiriwang ng kaarawan na binanggit sa Bibliya—ang ulat na ito, kung saan pinugutan ng ulo si Juan; at ang ulat tungkol sa Paraon ng Ehipto, kung saan pinatay ang kaniyang punong panadero. (Gen 40:18-22) Sa pagdiriwang ng dalawang kaarawang ito, parehong may malaking handaan, may mga pabor na ibinigay, at may pinatay.
kumandante ng militar: Ang salitang Griego na khi·liʹar·khos (chiliarch) ay literal na nangangahulugang “tagapamahala ng isang libo,” o 1,000 sundalo. Tumutukoy ito sa isang tribuno ng Romanong militar. May anim na tribuno sa bawat Romanong lehiyon. Pero ang lehiyon ay hindi hinahati-hati sa anim para pamunuan ng tig-iisang tribuno; sa halip, ang buong lehiyon ay pinamumunuan ng iisang tribuno sa loob ng isang kanim ng taon. Ang mga kumandanteng ito ay may malaking awtoridad, kasama na ang pagrerekomenda at pag-aatas ng mga senturyon. Puwede ring tumukoy ang salitang Griego sa sinumang mataas na opisyal ng hukbo. Dahil nasa kaarawan ni Herodes ang mga lalaking ito, napilitan siyang tuparin ang sumpa niya kaya iniutos niyang pugutan ng ulo si Juan na Tagapagbautismo.
-