-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi nila nakuha ang aral sa ginawa niyang himala sa mga tinapay: Mga ilang oras pa lang ang nakakalipas, nakita ng mga alagad na makahimalang pinarami ni Jesus ang mga tinapay. Malinaw na ipinapakita ng pangyayaring iyon kung gaano kalaki ang kapangyarihang ibinigay kay Jesus sa pamamagitan ng banal na espiritu. Pero dahil hindi nila naintindihan ang kahulugan ng himalang iyon, manghang-mangha ang mga alagad nang lumakad si Jesus sa tubig at pahupain ang bagyo. Inisip pa nga nila na ang paglakad niya sa tubig ay isa lang aparisyon, o ilusyon.—Mar 6:49.
-