-
Marcos 7:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pero sinasabi ninyo, ‘Kapag sinabi ng isa sa kaniyang ama o ina: “Anumang mayroon ako na makatutulong sa inyo ay korban (ibig sabihin, naialay na sa Diyos),”’
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
korban: Ang salitang Griego na kor·banʹ ay salitang hiram mula sa Hebreo na qor·banʹ, na nangangahulugang “isang handog.” Ang salitang Hebreong ito ay madalas gamitin sa Levitico at Bilang para tumukoy sa mga handog na may dugo at walang dugo. (Lev 1:2, 3; 2:1; Bil 5:15; 6:14, 21) Ang kaugnay nitong salita na kor·ba·nasʹ ay ginamit sa Mat 27:6, kung saan isinalin itong “sagradong kabang-yaman.”—Tingnan ang study note sa Mat 27:6.
naialay na sa Diyos: Itinuturo ng mga eskriba at Pariseo na ang pera, pag-aari, o anumang bagay na inialay ng isa sa Diyos ay nakalaan na sa templo. Ayon sa tradisyong ito, anumang bagay na inialay ng isang anak ay puwede niyang itabi para sa sarili niyang kapakanan, at puwede niyang sabihing nakalaan na ito sa templo. Lumilitaw na may mga gustong tumakas sa pananagutan nilang pangalagaan ang mga magulang nila kaya iniaalay nila ang mga pag-aari nila sa ganitong paraan.—Mar 7:12.
-