Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 7:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 dahil pumapasok ito, hindi sa puso niya, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas ito papunta sa imburnal?” Sa pagsasabi nito, ipinakita niya na malinis ang lahat ng pagkain.

  • Marcos 7:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 yamang dumaraan ito, hindi sa loob ng kaniyang puso, kundi sa kaniyang mga bituka, at lumalabas ito patungo sa imburnal?”+ Sa gayon ay ipinahayag niyang malinis ang lahat ng pagkain.+

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:19

      Sa pagsasabi nito, ipinakita niya na malinis ang lahat ng pagkain: Sa tekstong Griego, puwedeng maisip na si Jesus mismo ang nagsabi nito, pero mas marami ang naniniwala na si Marcos ang nagsabi nito bilang konklusyon sa ipinaliwanag ni Jesus. Hindi ito nangangahulugang sinasabi ni Jesus na puwede nang kainin ng mga Judio ang mga pagkaing itinuturing na marumi sa Kautusang Mosaiko. Nawalan lang ng bisa ang Kautusang iyon nang mamatay si Jesus, at dapat isaisip ang katotohanang ito sa pag-unawa sa komento ni Marcos. (Lev, kab. 11; Gaw 10:9-16; Col 2:13, 14) Para sa mga relihiyosong lider na tradisyon ng tao ang sinusunod, kahit ang “malinis” na pagkain ay makapagpaparumi sa isang tao malibang maglinis muna siya ng sarili sa seremonyal na paraan, na hindi naman hinihiling ng Kautusan. Kaya maliwanag na ito ang ibig sabihin ni Marcos: Sinasabi ni Jesus na ang mga pagkaing itinuturing na “malinis” sa Kautusang Mosaiko ay hindi makapagpaparumi sa isang tao kahit hindi siya nakapaghugas ng kamay sa seremonyal na paraan ayon sa tradisyon ng tao. Pero may ilang nagsasabi na para kay Marcos, ang sinabi ni Jesus ay tumutukoy din sa magiging kaayusan para sa mga Kristiyano sa hinaharap. Noong isulat ni Marcos ang Ebanghelyo niya, nakita na ni Pedro ang pangitain, kung saan sinabi sa kaniya na “nilinis na ng Diyos” ang mga pagkaing itinuturing noon na marumi sa Kautusang Mosaiko, at ang pananalitang iyan ay katulad ng nasa ulat ni Marcos. (Gaw 10:13-15) Anuman ang totoo, maliwanag na hindi si Jesus ang nagsabi ng pananalitang ito, kundi komento ito ni Marcos sa kahulugan ng sinabi ni Jesus, na isinulat niya sa patnubay ng espiritu.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share