-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga anak . . . maliliit na aso: Dahil ang mga aso ay itinuturing na marumi sa Kautusang Mosaiko, madalas gamitin ang terminong ito sa Kasulatan sa negatibong paraan. (Lev 11:27; Mat 7:6; Fil 3:2, tlb.; Apo 22:15) Pero sa ulat nina Mateo (15:26) at Marcos tungkol sa pakikipag-usap na ito ni Jesus, pareho silang gumamit ng pangmaliit na anyo ng termino para sa aso na nangangahulugang “maliit na aso” o “alagang aso sa bahay,” kaya hindi ito nakakainsulto. Ipinapahiwatig nito na ang ginamit ni Jesus ay isang malambing na termino para sa mga alagang aso sa tahanan ng mga di-Judio. Dahil itinulad ni Jesus ang mga Israelita sa “mga anak” at ang mga di-Judio sa “maliliit na aso,” maliwanag na gusto lang sabihin ni Jesus kung sino ang dapat unahin. Sa isang bahay na may mga anak at aso, ang mga anak muna ang pakakainin.
-