Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 9:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Pero ang sinumang tumisod sa* isa sa maliliit na ito na nananampalataya, mas mabuti pang bitinan ang leeg niya ng isang gilingang-bato na iniikot ng isang asno at ihagis siya sa dagat.+

  • Marcos 9:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Ngunit ang sinumang tumitisod sa isa sa maliliit na ito na naniniwala, magiging mas mainam pa sa kaniya kung ang isang gilingang-bato na gaya niyaong iniikot ng isang asno ay itali sa kaniyang leeg at ihagis nga siya sa dagat.+

  • Marcos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:42

      Ang Bantayan,

      9/15/1989, p. 19-20

      2/15/1988, p. 8

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:42

      tumisod: O “maglagay ng katitisuran.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay tumutukoy sa makasagisag na pagkatisod. Sa kontekstong ito, puwede itong tumukoy sa pagiging hadlang sa pananampalataya ng isa na susunod sana kay Jesus at maniniwala sa kaniya. Posibleng kasama dito ang pagiging dahilan ng pagkakasala ng isang tao o pagiging bitag sa kaniya. Ang pagkatisod ay puwedeng tumukoy sa paglabag sa kautusan ng Diyos sa moral, sa kawalan ng pananampalataya, o sa pagtanggap sa huwad na mga turo. (Tingnan ang study note sa Mat 18:7.) Ang ekspresyong maliliit na ito ay tumutukoy sa mga alagad ni Jesus na itinuturing ng sanlibutan na walang halaga pero mahalaga sa paningin ng Diyos.

      gilingang-bato na iniikot ng isang asno: Tingnan ang study note sa Mat 18:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share