-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagkakasala ka dahil: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay puwede ring isalin na “nagiging bitag sa iyo.”—Tingnan ang study note sa Mat 18:7.
putulin mo ito: Gumamit dito si Jesus ng eksaherasyon. Sinasabi niya rito na dapat maging handa ang isang tao na alisin ang anumang bagay na kasinghalaga ng kaniyang kamay, paa, o mata sa halip na hayaan itong maging dahilan para mawala ang katapatan niya. Maliwanag na hindi naman niya sinasabing literal na putulin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, at hindi rin niya sinasabing sunod-sunuran ang isang tao sa gustong gawin ng mga kamay, paa, at mata niya. (Mar 9:45, 47) Ibig lang niyang sabihin, dapat patayin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, o gumawi na parang wala siya nito, sa halip na gamitin ito para magkasala. (Ihambing ang Col 3:5.) Hindi niya dapat hayaan ang anumang bagay na maging hadlang para magtamo siya ng buhay.
Gehenna: Tingnan ang study note sa Mat 5:22 at Glosari.
-