Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 9:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 “Dahil ang bawat isa* ay pauulanan ng apoy, gaya ng pagbubudbod ng asin.+

  • Marcos 9:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 “Sapagkat ang bawat isa ay dapat maasnan+ ng apoy.

  • Marcos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:49

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 165

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 227

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:49

      pauulanan ng apoy, gaya ng pagbubudbod ng asin: Puwedeng unawain ang tayutay na ito sa dalawang paraan. (1) Kung ang ekspresyong ito ay kaugnay ng mga kasasabi lang ni Jesus sa Mar 9:43-48, tumutukoy ito sa pagkapuksa sa apoy ng Gehenna. Posibleng nasa isip ni Jesus ang nangyari sa Sodoma at Gomorra, na malapit lang sa Dagat na Patay (Dagat Asin), nang magpaulan ang Diyos ng “asupre at apoy” sa mga lunsod na ito. (Gen 19:24) Kaya ang sinabi ni Jesus na “ang bawat isa ay pauulanan ng apoy, gaya ng pagbubudbod ng asin” ay puwedeng mangahulugan na ang lahat ng hindi nanatiling tapat o nakatisod sa iba dahil sa kamay, paa, o mata nila ay tutupukin sa apoy ng Gehenna, na tumutukoy sa walang-hanggang pagkapuksa. (2) Kung ang ekspresyong ito naman ay kaugnay ng sumunod na sinabi ni Jesus, na nakaulat sa Mar 9:50, posibleng ang tinutukoy ni Jesus ay ang apoy na darating sa mga tagasunod niya para sa kapakinabangan nila, na tutulong sa kanila na mapanatili ang kapayapaan sa gitna nila. Kaya puwede rin itong mangahulugan na ang bawat isa​—ibig sabihin, ang lahat ng alagad niya​—ay dadalisayin at lilinisin sa pamamagitan ng Salita ni Jehova, na tutupok sa lahat ng kasinungalingan at pagkakamali, at sa pamamagitan ng apoy ng pag-uusig o pagsubok, na susubok at dadalisay sa katapatan at debosyon ng isa kay Jehova. (Jer 20:8, 9; 23:29; 1Pe 1:6, 7; 4:12, 13) Posibleng parehong nasa isip ni Jesus ang mga ideyang ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share