-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
asin: Isang mineral na ginagamit na preserbatibo at pampalasa ng pagkain.—Tingnan ang study note sa Mat 5:13.
mawawalan ito ng alat: O “mawawalan ito ng lasa.” Noong panahon ni Jesus, karaniwan nang nakukuha ang asin sa may Dagat na Patay at nahahaluan ito ng ibang mineral. Kapag nakuha na ang maalat na parte sa magkakahalong mineral na ito, ang maiiwan ay wala nang lasa at silbi.
Maging gaya kayo ng asin: Maliwanag na ginamit dito ni Jesus ang “asin” para tukuyin ang katangiang kailangan ng mga Kristiyano para maging mabait, makonsiderasyon, at nakakapagpatibay sila sa paggawi at pagsasalita, at para makatulong sila sa pagpepreserba, o pagliligtas, sa buhay ng iba. Ganiyan din ang pagkakagamit ni apostol Pablo sa “asin” sa Col 4:6. Posibleng iniisip ni Jesus ang pagtatalo ng mga apostol niya tungkol sa kung sino ang pinakadakila. Ang makasagisag na asin ay makakatulong sa isang tao na magsalita sa mabait na paraan para madaling matanggap ng iba ang sinasabi niya at mapanatili ang kapayapaan.
-