-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Isa lang ang mabuti, ang Diyos: Dito, kinilala ni Jesus na ang pamantayan ng kabutihan ay si Jehova, at siya lang ang may karapatan na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama. Nang kumain sina Adan at Eva ng ipinagbabawal na bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, nangahas silang agawin ang karapatang iyon. (Gen 2:17; 3:4-6) Di-gaya nila, mapagpakumbabang nagpapasakop si Jesus sa mga itinakdang pamantayan ng kaniyang Ama. Ipinakita at ipinaliwanag ng Diyos kung ano ang mabuti sa pamamagitan ng kaniyang Salita.—Mar 10:19.
-