-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sina Santiago at Juan, ang mga anak ni Zebedeo, ay lumapit sa kaniya: Sa ulat ni Mateo, ang ina nina Santiago at Juan ang lumapit kay Jesus, pero lumilitaw na galing sa dalawang anak niya ang kahilingang ito. Sinusuportahan iyan ng sinabi ni Mateo na nang marinig ng 10 alagad ang tungkol dito, “nagalit sila,” hindi sa ina, kundi sa “magkapatid.”—Mat 20:20-24; tingnan ang study note sa Mat 4:21; 20:20.
mga anak: Sa ilang manuskrito, ang mababasa ay “dalawang anak,” pero mas marami sa pinakalumang mga manuskrito ang gumamit ng “mga anak.”
-