-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila: Apat na beses lang ginamit ang Griegong terminong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Mat 20:25; Mar 10:42; 1Pe 5:3; at sa Gaw 19:16, kung saan isinalin itong “binugbog”) Maiisip sa payong ito ni Jesus ang pagpapahirap ng mga Romano at ang malupit na pamamahala ng mga Herodes. (Mat 2:16; Ju 11:48) Maliwanag na nakuha ni Pedro ang punto, kaya pinayuhan niya ang Kristiyanong matatanda na manguna sa pamamagitan ng halimbawa at huwag mag-astang panginoon. (1Pe 5:3) Isang kaugnay na pandiwa ang ginamit sa Luc 22:25, kung saan ganito rin ang punto ni Jesus, at ginamit din ito sa 2Co 1:24, kung saan sinabi ni Pablo na ang mga Kristiyano ay hindi “mga panginoon” ng pananampalataya ng mga kapatid nila.
-