-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nazareno: Tumutukoy ito noong una kay Jesus at nang maglaon ay sa mga tagasunod niya. (Gaw 24:5) Dahil maraming Judio noon ang may pangalang Jesus, karaniwang may idinadagdag sa pangalang ito para malaman kung sino ang tinutukoy; nakasanayan na noong panahon ng Bibliya na idugtong sa pangalan ng tao ang lugar na pinagmulan niya. (2Sa 3:2, 3; 17:27; 23:25-39; Na 1:1; Gaw 13:1; 21:29) Sa bayan ng Nazaret lumaki si Jesus, kaya natural lang na gamitin ang terminong ito para tukuyin siya. Madalas tukuyin si Jesus na “Nazareno” ng iba’t ibang indibidwal sa iba’t ibang pagkakataon. (Mar 1:23, 24; 10:46, 47; 14:66-69; 16:5, 6; Luc 24:13-19; Ju 18:1-7) Ginamit ito mismo ni Jesus para sa sarili niya. (Ju 18:5-8; Gaw 22:6-8) Isinulat ni Pilato sa pahirapang tulos ni Jesus ang pananalitang ito sa wikang Hebreo, Latin, at Griego: “Si Jesus na Nazareno, ang Hari ng mga Judio.” (Ju 19:19, 20) Mula noong Pentecostes 33 C.E., si Jesus ay madalas nang tawagin ng mga apostol at ng iba bilang Nazareno o mula sa Nazaret.—Gaw 2:22; 3:6; 4:10; 6:14; 10:38; 26:9; tingnan din ang study note sa Mat 2:23.
Anak ni David: Sa pagtawag kay Jesus na “Anak ni David,” hayagang kinilala ni Bartimeo na si Jesus ang Mesiyas.—Tingnan ang study note sa Mat 1:1, 6; 15:25.
-