-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Iligtas nawa siya: Lit., “Hosanna.” Ang terminong Griego ay mula sa ekspresyong Hebreo na nangangahulugang “iligtas mo, aming dalangin” o “pakisuyong iligtas.” Dito, ginamit ang terminong ito para humiling sa Diyos ng kaligtasan o tagumpay; puwede itong isaling “pakisuyong iligtas si.” Nang maglaon, ginagamit na ang ekspresyong ito hindi lang sa panalangin, kundi pati sa pagpuri. Ang ekspresyong Hebreo ay mababasa sa Aw 118:25, na bahagi ng mga Salmong Hallel, na regular na inaawit sa panahon ng Paskuwa. Kaya talagang maiisip agad ang pananalitang ito sa eksenang binanggit sa teksto. Ang isang paraan ng pagsagot ng Diyos sa panalanging ito na iligtas ang Anak ni David ay ang pagbuhay-muli sa kaniya. Sa Mar 12:10, 11, sinipi ni Jesus ang Aw 118:22, 23 para tumukoy sa Mesiyas.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 118:25, 26, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
-