-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang dumarating na Kaharian ng ama nating si David: Ito ang mababasa sa pinakaluma at pinakamaaasahang mga manuskrito pero may ilang manuskrito na ganito ang makikita: “Ang kaharian ng ama nating si David na dumarating sa ngalan ng Panginoon.” Ganiyan ang mababasa sa ilang salin ng Bibliya sa Ingles. Maraming salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Hebreo (may code na J7, 8, 10-12, 14, 16, 17 sa Ap. C) ang gumamit dito ng Tetragrammaton o ng pinaikling anyo nito: “Ang kaharian ng ama nating si David na dumarating sa ngalan ni Jehova.”
-