-
Marcos 11:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Nakita niya mula sa malayo ang isang puno ng igos na may mga dahon, at lumapit siya para tingnan kung may bunga iyon. Pero pagdating doon, wala siyang nakita kundi mga dahon, dahil hindi pa panahon ng igos.
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
wala siyang nakita kundi mga dahon: Karaniwan nang hindi namumunga ang puno ng igos sa panahong ito, pero ang punong nakita ni Jesus ay may mga dahon, at kadalasan nang tanda ito na may bunga na ang puno. Dahil puro dahon lang ang puno, alam ni Jesus na hindi na ito mamumunga, kaya nakakadaya ang hitsura nito. Dahil diyan, isinumpa ni Jesus ang punong ito na hindi na mamunga kahit kailan, kaya natuyot ito.—Mar 11:19-21.
-