-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bahay-panalanginan para sa lahat ng bansa: Sa tatlong manunulat ng Ebanghelyo na sumipi sa Isa 56:7, si Marcos lang ang nagsama ng pariralang “para sa lahat ng bansa [bayan].” (Mat 21:13; Luc 19:46) Ang templo sa Jerusalem ay para sa mga Israelita at banyagang may takot sa Diyos na gustong sumamba at manalangin kay Jehova. (1Ha 8:41-43) Tama lang na kondenahin ni Jesus ang mga Judiong gumagamit sa templo para sa negosyo dahil ginagawa nila itong pugad ng mga magnanakaw. Dahil sa kanila, ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa ay nawawalan ng ganang pumunta sa templo para manalangin kay Jehova, kaya napagkakaitan sila ng pagkakataon na makilala ang Diyos.
pugad ng mga magnanakaw: Tingnan ang study note sa Mat 21:13.
-