Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 12:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+

  • Marcos 12:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ngayon ay lumapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli, at iniharap nila sa kaniya ang tanong:+

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:18

      Saduceo: Dito lang binanggit ang mga Saduceo sa Ebanghelyo ni Marcos. (Tingnan sa Glosari.) Malamang na may kaugnayan ang pangalang ito (sa Griego, Sad·dou·kaiʹos) kay Zadok (madalas na isulat na Sad·doukʹ sa Septuagint), na ginawang mataas na saserdote noong mga araw ni Solomon at na ang mga inapo ay lumilitaw na naglingkod bilang saserdote sa loob ng daan-daang taon.​—1Ha 2:35.

      pagkabuhay-muli: Ang salitang Griego na a·naʹsta·sis ay literal na nangangahulugang “pagbangon; pagtayo.” Ginamit ito nang mga 40 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para tumukoy sa pagkabuhay-muli ng mga patay. (Mat 22:23, 31; Gaw 4:2; 24:15; 1Co 15:12, 13) Sa salin ng Septuagint sa Isa 26:19, ginamit ang anyong pandiwa ng a·naʹsta·sis bilang katumbas ng pandiwang Hebreo na “mabuhay” sa pariralang “ang iyong mga patay ay mabubuhay.”​—Tingnan sa Glosari.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share